Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamayamang kultura at kaugalian na tinatangkilik at pinapahalagahan ng bawat mamamayang Pilipino. Ngunit sa paglipas ng mga dekada, tila napakabilis ng mga pagbabago ng mga Pilipino. Maaaring ito‘y dulot ng makabagong teknolohiya at agham o di kaya'y mula modernong pag-iisip na nakukuha sa malawakang impluwensya mula sa Estados Unidos at iba pang banyagang bansa.
Tiyak na ikaw din ay makakapagsabi na ang mga Pilipino noon at ngayon ay malaki ang pagkakaiba. Anu-ano ang mga ito? Narito lamang ang iilan.
NOON: Harana
Noong araw, karaniwan na sa mga taga-nayon ang makarinig ng tinig ng binata habang hinaharana ang dalagang kanyang sinisinta. Ito ay isang pagpapahayag ng binata sa napupusuan niyang dalaga ng kanyang pag-ibig. Ang panghaharana ng binata kadalasan ay sinasagot din ng dalaga sa pamamagitan ng pag-awit. Sa matiyagang pagdalaw ng binata kalakip ang masuyong pangungusap, nakakamit nito ang pagmamahal ng dalagang iniibig.
NGAYON: Textmates o Chatmates
Ngayon, normal na lamang sa mga kabataan maging sa mga nakakatanda na gustong manligaw sa mga gusto nila sa pamamagitan ng chat o text. Marami ang naging mag-kasintahan sa paraang ito.NOON:
Mga batang masunurin at magalang
NGAYON: Killjoy at napag-iwanan ng teknolohiya ang mga magulang
Kadalasan sa mga kabataan ngayon ay di nakikinig sa kanilang mga magulang.
NOON: Maria Clara ang mga kababaihan
Noon, ang dalagang Pilipina ay likas na mayumi, mahinhin, iginagalang at marunong gumalang at higit sa lahat hindi babastusin.
Ang pagiging dalagang Pilipina ay nangangahulugan na ang isang dalaga ay nagtataglay ng mga katangiang mahinhin, maganda, masunurin, mapagmahal at iba pang moralidad na bumubuo sa kalinisang-puri ng mga babae.