Saturday, July 16, 2016


Ang Pilipinas  ay isa sa mga bansang  may pinakamayamang kultura at kaugalian na tinatangkilik at pinapahalagahan ng bawat mamamayang Pilipino. Ngunit sa paglipas ng mga dekada, tila napakabilis ng mga pagbabago ng mga Pilipino. Maaaring ito‘y dulot ng makabagong teknolohiya at agham o di kaya'y mula modernong pag-iisip na nakukuha sa malawakang impluwensya mula sa  Estados Unidos at iba pang banyagang bansa. 
  


Tiyak na ikaw din ay makakapagsabi na ang mga Pilipino noon at ngayon ay malaki ang pagkakaiba. Anu-ano ang mga ito? Narito lamang ang iilan.





  

NOON: Harana


Noong araw, karaniwan na sa mga taga-nayon ang makarinig ng tinig ng binata habang hinaharana ang dalagang kanyang sinisinta. Ito ay isang pagpapahayag ng binata sa napupusuan niyang dalaga ng kanyang pag-ibig. Ang panghaharana ng binata kadalasan ay sinasagot din ng dalaga sa pamamagitan ng pag-awit. Sa matiyagang pagdalaw ng binata kalakip ang masuyong pangungusap, nakakamit nito ang pagmamahal ng dalagang iniibig. 

NGAYON:  Textmates o Chatmates

Ngayon, normal na lamang sa mga kabataan maging sa mga nakakatanda na gustong manligaw sa mga gusto nila sa pamamagitan ng chat o text. Marami ang naging mag-kasintahan sa paraang ito. 

NOON: 

Mga batang masunurin at magalang


Ang pagmamano ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang paggalang sa nakakatanda. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakakatanda at paglapat nito sa noo, sabay ang pagsabi ng 'mano po'. Ito ay tanda ng paggalang.






NGAYON:   Killjoy at napag-iwanan ng teknolohiya ang mga magulang



Kadalasan sa mga kabataan ngayon ay di nakikinig sa kanilang mga magulang.





NOON: Maria Clara ang mga kababaihan


Noon, ang dalagang Pilipina ay likas na mayumi, mahinhin, iginagalang at marunong gumalang at higit sa lahat hindi babastusin. 

Ang pagiging dalagang Pilipina  ay nangangahulugan na ang isang dalaga ay nagtataglay ng mga katangiang mahinhin, maganda, masunurin, mapagmahal at iba pang moralidad na bumubuo sa kalinisang-puri ng mga babae. 






NGAYON: Karamihan sa mga babae ay liberated na


Siguro ay dala na rin ng modernisasyon, nauubliga ang mga kabataang babae na makipag-laro sa mga kalalakihan.Kung dati’y magdikit lamang ang kamay ng mga lalaki at babae ay kailangan na silang magpakasal, ngayon naman ay kahit magsiping na sa kama o magkaroon na ng anak ay hindi nila kailangang magpakasal.









NOON: Buo ang pamilya kapag kumakain


Ang kompletong pamilya sa hapagkainan sa tuwing kumakain ay isa sa magandang kaugalian ng mga Pilipino. Ang masayang kwentuhan ay isa sa mga dala nito.






NGAYON: Physically present but mentally absent sa hapagkainan 


Unti-unting namamatay ang totoong diwa ng komunikasyon sa pamilya dahil mula kay tatay, nanay, ate at kuya, at bunso ay di maiwan-iwan ang telepono at iba pang gadyet kahit sa harap na ng hapagkainan.Napabayaang mga anak ay isa mga di kanaisnais na bunga nito.


NOON: Street Games

Noon, ang mga kabataan ay kadalasang gumagawa ng masayang mga alaala at karanasan sa kalye habang nilalaro ang piko, chinese garter, katsoy, trumpo at iba pa. Dito nabubuo ang masayang pagkakaibigan at malusog na pangangatawan.


NGAYON: Video Games

Kompyuter,tablet, selfon na ang kalaro ng mga kabataan. Labis na katabaan ang magiging resulta nito.





35 comments:

  1. salamat sa inyong impormasyon.

    ReplyDelete
  2. Tenkyuuu for your information na enjoy ko Yung pagbabasa and worth it.while I'm searching for my thesis and then nakita ko to tas binasa ko nagkaroon ako ng idea thankyouu

    ReplyDelete
  3. Ang worth it... Plus lahat na information na nandito so true...

    ReplyDelete
  4. Salamat sa impormasyon kung sino man naka isip nito pero dapat hindi tayo nag papasakop mismo sa lenguahe ng iba't ibang bansa marahil saating lenguahe nga hirap na ang mga pilipino at marami pa tayong pag kukulang bilang nag iisang wikang filipino hindi natin pwedeng iwanan ang ating wikang tagalog dahil ito ang ating tunay na kulay!!!

    ReplyDelete
  5. Ano Naman Ang mga kultura sa ibang bansa?na pwedeng ihambing sa ating kultura?

    ReplyDelete
  6. Matino Ang utak ko pero ako'y sabog na!
    Ano ba 'tong utak na'to?
    Ilrigh thanks for the info!

    Wala talaga Akong naintindihan Promise!
    Jk thank you!!

    ReplyDelete
  7. Thank you po kailangan ko kasi to sa a.p. namin😚😚

    ReplyDelete
  8. Ang mga bata noon masipag, magalang at responsable sa buhay Di kagaya ngayon na burara, bastos, makulit Pag dating sa mga usaping kultura at kaugalian ng henerasyong maka Pilipino at Etnikong Tradition ng bansang PILIPINAS

    ReplyDelete
  9. Hays dati nga ei harana ngayon nadadaan sa text mates tapos se* then kapag nakabuo wala na maski anino wala

    ReplyDelete
  10. Dati den ang galang ng mga tao at bata ngayon na mura na sa magulang sa kapatid

    ReplyDelete
  11. Kultura ng lumban noon at ngayun

    ReplyDelete